BOMBO DAGUPAN – Tuluyang na-cite in contempt ng Quad Committee sa Kamara si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, dahil sa umano’y pag-iwas nitong dumalo sa nakaraang pagdinig
Ito ay dahil sa umanoy pagsisinungaling sa huling pagdinig ng quad-committee.
Sa quad-committee hearing noong Agosto 16, sinabi ni Roque na may court hearing siya noong araw na iyon kaya hindi siya nakadalo sa pagdinig ng House Quad Committee ngunit nabatid na wala siyang schedule sa korte.
--Ads--
Si Roque ay hinatulan ng 24-oras na detention sa House of Representatives’ detention facility kasunod ng umano’y “honest mistake” nito at humingi ng paumanhin sa joint panel.