BOMBO DAGUPAN – Patay ang ang isang lalaki matapos na saksakin ng kanyang kapitbahay sa barangay Biec, Binmaley.

Ayon kay PLT. Ronaldo Aquino, Chief, Investigation Officer, Binmaley PNP, kinilala ang biktima na si Mark Luther Gabilan Mendoza, 22 anyos at residente ng Brgy. Baybay Lopez, Binmaley.

Sinaksak siya gamit ang kutsilyo ng nakilalang si Richard Quinto Gutierrez, 42 anyos, at residente ng Brgy Biec, sa nasabing bayan.

--Ads--

Saad ni Aquino na sa imbestigasyon, dumating ang biktima na umanoy nakainom at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng suspek.

Nagbasag umano ng bote ang biktima sa labas ng bahay kaya siya sinita ng suspek dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo.

Sinubukan pang awatin sila ng kapatid ng suspek pero itinulak siya nito hanggang sa inundayan nito ng saksak sa bahaging tiyan ang kaalitan .

Agad itong dinala sa hospital pero kalaunan ay nasawi rin ito habang naaresto naman ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong homicide.