BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 12 na mga Palestino ang nasawi sa paglunsad ng Israel ng air strike sa isang paaralan na binabahayan ng mga displaced people sa lungsod ng Gaza.

Ayon sa tagapagsalita ng Hamas-run Civil Defence Authority na nahihirapan umano ang mga rescuers na irecober ang ilan sa mga nawawalang tao na pinapaniwalaang na-tra sa ilalim ng pagguho sa Mustafa Hafez School.

Sinabi naman ng Israel Military na ang kanilang inatake ay isanh Hamas Command at control centre na nasa loob ng nasabing paaralan. Saad pa nila na gumawa sila ng hakbang na hindi makakapahamak ng mga sibilyan.

--Ads--

Nauna na rito, inanunsya nilang narecober ng kanilang tropa ang 6 na labi ng mga Israeli hostages na ibinihag sa Khan Younis.