BOMBO DAGUPAN – Umani ng papuri ang German athlete na girlfriend ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena na si Caroline Joyeux dahil sa kaniyang pagiging lowkey umano sa pagsuporta sa kaniyang boyfriend.

Bagama’t tahimik lang daw ito at hindi inagawan ng eksena si EJ.

Si EJ ang Filipino athlete na nagtapos sa ika-apat na puwesto sa men’s pole vault finals sa Paris Olympics 2024.

--Ads--

Masaklap man at muntik-muntikan nang makasungkit ng Olympic medal gayunpaman, umani siya ng simpatiya mula sa mga netizens.

Gayundin ang kaniyang supportive na girlfriend kung saan karamihan sa mga komento ay puros papuri sakaniya.

Sa isang recent post nito, ipinakita niya ang isang video clip na binubuo ng highlights nila sa Paris Olympics.

Kabilang sa video clips ang moments nila ni EJ at kung paano siya naging supportive sa boyfriend sa laban nito.

May netizens ding hindi naiwasang ikumpara si Caroline kay Chloe San Jose, ang girlfriend ng gymnast at two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Kontrobersiyal ngayon si Carlos dahil sa alitan nila ng inang si Angelica Yulo kung saan sangkot din sa isyu ng mag-ina ang girlfriend ng gymnast.

Pinuri ng netizens ang pagiging “quiet,” “decent,” at “low-key” niya bilang supportive girlfriend ni Ej.