BOMBO DAGUPAN – Dinepensahan ng actress na si Heart Evangelista ang asawang si Senate President Chiz Escudero matapos mag ingay ang mga netizens sa bagong pronouncement ng senador.

Kamakailan kasi ay sinabi ni Senator Chiz na napagkasunduan ng Senado na limitahan ang pag-a-approve sa local holidays.

Ito ay para raw mas maging competitive ang ating bansa sa mga karatig-bansa.

--Ads--

Pero tila hindi masyadong naintindihan ng maraming netizens na hindi national holidays ang kanyang tinutukoy kundi local holidays.

Sinabi ni Heart na “fake news” ang mga nagpapakalat ng maling balita ukol sa sinabi ng kanyang mister.

Sa isang panayam ay sinagot ni Heart ang isang komento ng netizen.

Diin naman ni Heart, “Hindi siya babawasan, hindi lang siya dadagdagan.”

Mayroon daw kasing local holidays kada siyudad, munisipalidad, probinsiya, at rehiyon, na dagdag pa sa national holidays.

Ayon nnaman kay Escudero, sa Amerika, kaunti lamang ang holidays kung saan ang mga araw ng kanilang mga bayani at presidente ay idinadaos lamang sa iisang araw.

Nagkaroon na raw ng pag-aaral si Escudero tungkol sa format ng holiday sa USA, pero alam din niyang magkakaroon ng iba’t ibang pananaw ang mga senador tungkol dito.