Dagupan City – Mga kabombo! Naranasan niyo na bang abutan ng tawag ng kalikasan?

Iyon bang hindi mo na alam kung saan ka pupunta? Naranasan mo na bang magbawas sa damuhan?

Isang lalaki kasi mula sa Madhya Pradesh sa India ang tumugon sa “tawag ng kalikasan”.

--Ads--

Kung saan, lumalabas umano na habang nagbabawas ang lalaki, isang malaking sawa ang biglang sumulpot at umatake sa kaniya.

Ayon sa ulat, nadatnan na lamang ang lalaki ng kanyang mga kasamahan na nakaupo, nakababa ang pantalon, at may nakapulupot na sawa sa leeg. Kung saan bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkatakot.

Sinubukan pa namang alisin ng mga kasamahan nito ang sawa na may habang 13 talampakan gamit ang kahoy, ngunit mas humigpit pa ang pagkakapulupot nito sa lalaki.

Ngunit dahil ayaw bumitiw ng sawa, walang nagawa ang mga kasamahan niya kundi patayin na lamang ito.

Sa kabutihang palad, ligtas ang lalaki at walang natamong sugat mula sa insidente.