BOMBO DAGUPAN – Mga kabombo! Another one for this year dahil engaged na si Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao sa kanyang longtime boyfriend na si Aldo Palilio.

Matapos ang walong taon nilang pagiging magkasintahan nito lamang biyernes ay inanunsiyo ni Michele ang kanyang pakaka-enagage nang mag-post siya ng mga larawan nila ni Aldo.

Makikita sa mga larawan ang saya ng dalawa habang kapansin-pansin ang malaking diamond ring na suot-suot ng volleyball player at dating beauty queen.

--Ads--

Samantala, sa comments section ng post ni Michele ay marami sa kapwa niya beauty queens at volleyball players ang nagpaabot ng congratulatory messages sa pagkaka-engage niya kay Aldo.

Kabilang na riyan ang beauty queens na sina Catriona Gray, Athisa Manalo, Samantha Bernardo, Vickie Rushton, at Katarina Rodriguez.