BOMBO DAGUPAN – Naramdaman kahapon sa western Japan ang magnitude 6.9 na lindol kung saan nag-isyu ang kanilang pamunuan ng mega-quake alert gayundin ang tsunami alarm.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez Bombo International News Correspondent, Japan mabuti na lamang at walang mga naireport na injuries o damages sa nasabing bansa.

Aniya na ito ay isang unusual earthquake dahil pinapahanda sila bagamat ito ang unang pagkakataon na sila ay nag-isyu ng mega quake alert.

--Ads--

Pagbabahagi niya na ang mga ganitong lakas ng lindol ay nangyayari lamang matapos ang 20-30 taon at sakali mang lumakas pa ito ay maaari itong magdulot ng higit sa 200, 000 pagkasawi at P2 milyong pinsala sa imprastraktura.

Bagamat emotionally, spiritually and physically ready naman daw sila dahil may mga earthquake drills sila dalawang beses sa isang taon at ang kanilang gobyerno ay may sapat na preparasyon ay talagang nakakabahala parin ito.

Nagpapasalamat naman ito na nagresponde kaagad ang kapulisan, fire department at local agencies sa Japan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.