BOMBO DAGUPAN – Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang pamamaril na nanagyari sa Baywalk area sa Baybay Lopez sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Ayon kay PCPT. Alexander Supsupin, deputy chief of police sa Binmaley PNP, kinilala ang biktima na si Tony Joe Labung Coquia residente ng bayan ng Lingayen habang ang suspek ay nakilalang si Billy Esguerra residente ng Bonuan Gueset sa lungsod ng Dagupan.

Sinabi nito na naabutan na nila ang biktima sa loob ng sasakyan na may tama ng baril.

--Ads--

Agad na dinala ito sa ospital pero ideneklarang dead on arrival.

Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima, nagkaroon ng alitan ang suspek at biktima tungkol sa pinopost sa facebook.

Dahil sa pagnanais umano ng biktima ng magkaaayos sila ay nagkasundo na magkita sila sa bahagi ng Baywalk sa Baybay Lopez upang pag-usapan ang hindi pagkaka-unawaan.

Matapos umanong mag-usap ay nagpunta na sa kanyang sasakyan ang biktima subalit sinundan ito ng suspek at pinaulanan ng bala .

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng bala sa kaniyang batok.

Sinabi naman ni Supsupin na isolated lang ang nasabing kaso dahil wala namang naitatalang kaguluhan sa baywalk sa mga nagdaang mga taon.

Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na iwasan ang may kaalitan at kung may kaailtan ay pag-usapan ng masinsinan para maiwasan ang ganitong insidente.