Kabombo! Isa ka ba sa mga mahihilig mag Star Gazing? Baka rito mo na matuklasan ang panibagong magpapabilib sa madilim na tanawin tuwing gabi!
Sa tatlong magkakasunod na gabi, magkasamang pinaliwanag ng Sky Elements Drone Shows at Damoda America sa kanilang kahanga-hangang drone shows ang kalangitan sa Texas, USA.
Gamit ang kabuoan ng 71, 207 drone, ipinakita ng magka-duo ng nakabibilib na imaheng tulad ng dragon na humihinga ng apoy at isdang gumagalaw sa mga tanawin ng tubig, ulo ng tigre, UFO at iba pa.
Kung saan ang nakabibilib na pagtatanghal ay nasungkit ang mga titulong “most multirotors/drone launched in a week” at “largest aerial display of a mythical creature formed by multitutors/drone” sa Guinness World Records.
Ayon kay Micheal Empric, hukom mula sa GWR, ito umano ang pinakamahirap sa lahat ng nahusgahan niyang drone attempt dahil sa panahon at dami ng mga kagamitang ginamit sa pagtatanghal.
Gayunpaman, masaya siya sa matagumpay at makasasayang pagtatapos ng palabas sa loob nang tatlong mahahabang gabi.










