BOMBO DAGUPAN- Tuluyan nang bumagsak ang parlyamento ng Bangladesh matapos ang sapilitang pagpapababa sa pwesto si prime Minister Sheikh Hasina.

Bumaba at umalis sa bansa si Sheikh dulot ng pagpoprotesta ng mga estudyante kung saan marami ang nasawi.

Subalit, sa lahat ng ito ay nagkaroon ng pagkakataon upang magtatag ng isang pansamantalang pamahalaan.

--Ads--

Kaya’t inaabangan ng mga residente ang kakahinatnat sa pakikipag usap ng kanilang military chief sa mga political leaders at protest organizers.

Samantala, ayon sa local media, higit 100 katao ang nasawi sa karumaldumal na kaguluhan sa Bangladesh noong lunes.