DAGUPAN CITY- Labis ang paghihinagpis ng pamilyang Gille matapos matagpuan ang kanilang hiligi ng tahanan na wala nang buhay.

Ayon sa pamilya ng biktima na si Eduardo Natividad Gille, huli na ang lahat nang matagpuan ang kanilang ama sa isang ilog sa bayan ng Burgos.

Ang biktima ay isang 63 anyos at residente ng Barangay Laoac Sisilangan, sa bayan ng Sual. Ito rin ay dating pastor ng Born Again.

--Ads--

Nanawagan ang pamilya ng biktima sa Bombo Radyo Dagupan nang hindi ito umuwi simula noong huwebes, Agosto 1.

Umalis ito sa kanilang tahanan dahil nagkaroon silang mag-asawa ng hindi pagkakaunawaan noong gabi ng Hulyo 31.