Dagupan City – Palaisipan ngayon sa mga nitizens ang tahimik na hiwalayan nina James Yap at Michela Cazzola.

Ayon sa ulat, walang nangyaring anumang ingay at bigla na lamang umalis ng bansa tungo sa Italy si Michela kasama ang dalawang anak nila ng cager turned politician.

Noong pebrero nang nakaraang taon (2023) pa kasi ang tila ba’y last post ni Michela na kasama si James at ang dalawang anak sa kanyang social media account.

--Ads--

Habang ang huling post naman ni James ay noong oktubre pa, kung saan ay binati nito si Michaela ng happy birthday.

Sa kasalukuyan din kasi, napansin ng mga nitizens na may kanya-kanya na silang buhay at hindi na rin sila masyadong active sa social media.

Ang usapan, may girlfriend na raw ngayon si James na isang actress.