Dagupan City – Humaharap ngayon ang pamilya ni Niño Muhlach sa isang pagsubok.

Ito’y matapos na kumalat at umingay ang balitang “pangbababoy” umano sa kanilang anak.

Dahil dito, humingi ang actor ng pagdarasal sa nangyayari sa kaniyang pamilya.

--Ads--

Kaugnay nito, nagsampa na rin ang pamilya ni Niño sa National Bureau of Investigation kasama ang anak nitong si Sandro laban sa dalawang independent entertainment contractor ng isang TV Network.

Makikita sa sa social media account ng actor ay idinetalye nito ang mga pinagdaraanan at humihingi siya ng hustisya sa ginawa sa kaniyang anak.

Samantala, ipinaabot naman niya ang kaniyang pasasalamat sa mga sumuporta at nagbigay ng kanilang pagdarasal para sa kaniyang anak.

Matatandaan na naghain ng reklamong sexual molestation sa NBI ang anak ng actor na si Sandro laban sa mga umanoy suspek na sina Jojo Nones at Richard Cruz.