BOMBO DAGUPAN- Nagawang makapasok ni Filipino Boxer Aira Villegas sa quarterfinals sa araw mismo ng kaniyang kaarawan matapos nitong talunin si Algerian Boxer Roumaysa Boualam sa Round of 16 Women’s 50kg Boxing Division sa Paris Olympics 2024.

Agresibong sinimulan ni Villegas ang round 1 hanggang sa round 3.

Tinapos nito ang laban sa 5-0 kalamangan laban kay Boualam. Naitala niya ang 30-27, 29-28, 29-28, 29-28, 30-27 score upang makamit ang pagkapanalo via unanimous decision.

--Ads--

Ipagpapatuloy naman ni Villegas ang paglaban nito para sa medalya sa linggo kung saan makakatapat niya si French Boxer Wassila Lkhadiri.