BOMBO DAGUPAN – Nahuli ang dalawang wanted person sa magkahiwalay na operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng Villasis.

Ayon kay PMAJ. Edgar Allan Serquiña COP, Villasis PNP na ang dalawang suspek ay sangkot sa swindling o estafa kung saan sa bayan ng Rosales umano ang mga ito nakautang ng pera na nagkakahalagang humigit-kumulang P200,000.

Matapos mahuli ng dalawa ay maraming dumulog sa kanilang himpilan na nagsasabing sila din ay nabiktima o nautangan ng dalawa.

--Ads--

Kinilala ang mga suspek na sina Gina Lucena Sanchez, 49 taong gulang, may asawa, walang trabaho at Marites Briones Mones, 52 taong gulang, may asawa, walang trabaho at parehas na residente ng Brgy.San Nicolas sa nasabing bayan.

May recommended bail bond naman ang kaso ng dalawa na P18,000 each subalit sa kasalukuyan ay nakapiit muna sa kanilang himpilan ang mga ito habang hindi pa nakapagfile ng kani-kanilang piyensa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Samantala, ayon pa kay PMAJ. Serquiña na dati ng nahuli si Gina sa parehong kaso.

Napag-alaman din na finorge ng mga ito ang pirma ng Mayor sa kanilang bayan upang makapangloko ng tao kung saan pagkatapos nilang makatanggap ng pera ay hindi na nagpapakita ang mga suspek.

Nagpaalala naman ito sa publiko na kapag may mga lumalapit na nag-aalok na magkakaroon ng pera ay huwag maniniwala dahil ganon ang kadalasang ginagawa ng mga scammer.