Dagupan City – Binigyang diin ni Pangasinan 4th District Representative Cong. Christopher “Toff” De Venecia, ang kahalagahan ng Architectures sa pagsasagawa ng mga imprastraktura.

Ayon kay De Venecia, ang mga arkitekto dapat ang magsagawa ng plano sa imprastraktura na kinabibilangan ng Urban planning kung saan natatalakay dito ang pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo saka na papasok ang mga engineers.

Malayo kas aniya ito sa nangyayari ngayon na karaniwang ginagawa na mga engineer na rin ang nagdedesinyo at hindi na nakakapagpa-konsultahan ng plano sa mga arkitekto partikular na sa mga landscape architects. Dala na rin ng municipal architect local government code kung saan ay naging optional na lamang.

--Ads--

Kaugnay nito, hindi lang dapat aniya mga munisipalidad o mga baya nag tinututukan sa pagsasaayos, bagkus ay dapat malawakan at pangkalahatan.

Samantala, ibinahagi naman ni De Venecia ang kagandahan sa Bonifacio Global City (BGC) kung saan ay nananatili itong flood-free dala na rin ng comprehensive urban planning at infrastructure designed na siyang nagko-control ng Drainage System, Elevated Roads at mga gusali.