Dagupan City – Kinumpirma ng isang kilalang security expert sa isang forum kamakailan na pinoponduhan umano ang mga aktibidad ng mga armed group sa Mindanao ng mga smuggled na sigarilyo na karamihan ay nagmula sa Indonesia.

Ayon kay Prof. Rohan Gunaratna, security studies instructor at Singapore’s Nanyang Technological University, partikular sa mga ito ay mga Abu Sayyaf Group at Moro National Liberation Front.

Kung saan ay sila ang nagsisilbing benepisyaryo sa kita ng ipinagbabawal na kalakalan ng sigarilyo sa southern Philippines.
Kinumpirma ito ng opisyal sa ginanap na forum pinamagatang “Terrorism-Illicit Trade Nexus: A National Security Threat” sa PROTECT 2024 Conference sa isang Hotel sa Makati.

--Ads--

Dito rin ay tinalakay ng mga delegado sa forum ang patuloy at umuusbong na mga banta na kinabibilangan ng mga kasalukuyang geopolitical risks, violent extremism, climate change, cybersecurity at iba pang disruptive technologies.

Kasama naman sa mga dumalo sa forum ay ang mga pangunahing defense officials tulad nina National Security Adviser Eduardo M. Año at Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., kasama ang ilang opisyal ng Indonesian Embassy sa Manila.