BOMBO DAGUPAN – Natagpuang nakahandusay ang isang lalaki sa laundry area ng mismong bahay nito sa bayan ng Pozorrubio.

Ayon kay PCapt. Noel Dumayas, Deputy chief of police sa Pozorrubio PNP na naipagbigay alam ang insidente sa kanilang himpilan ng kapitbahay nito na nasa second floor ng bahay na siyang nakakita sa katawan ng biktima.

Aniya, posibleng natural ang dahilan ng pagkakasawi ng biktima dahil batay sa isinagawang imbestigasyon ay hindi nakitaan ng foul play ang insidente.

--Ads--

Ayon naman sa mga kaanak ng biktima ay may history umano ito ng hypertension.

Nabatid na namumuhay na lamang itong mag-isa sa kanilang tahanan.

Agad namang isinugod sa Pozorrubio Community Hospital ang biktima subalit ideneklarang dead on arrival ng attending physician nito.

Samantala, dagdag pa ni PCapt. Dumayas na simula buwan ng Abril hanggang ngayong buwan sa taong kasalukuyan ay ito pa lamang ang naitatalang kaso.

Pagbabahagi niya na tahimik naman ang kanilang bayan at patuloy na ginagawa ng kapulisan ang mga kaparaanan sa pagpapanatili ng kaayusan dito.