Dagupan City – Mga kabombo! Ngayong panahon na naman ng tag-ulan, nakabili ka na ba ng bota?

Kung hindi pa, baka gayahin mo itong lalaking nag-viral online?

Isang lalaking kasi ang usap-usapan ngayon sa social media matapos na masapol sa isang video ang isang lalaki na lumabas sa kanyang kotse gamit ang kaniyang mga kamay.

--Ads--

Makikita sa video na ito ang struggle ng lalaki na ibalanse ang sarili sa mga kamay niya habang lumalabas sa kanyang kotse.

Ayon sa ulat, lumalabas umano na ayaw niyang mabasa ang kaniyang bagong mga sapatos dahil sa mahal ang bili niya, kaya naman minabuti na lamang nitong gamitin ang kaniyang mga kamay.

Nabasa naman ng tubig baha ang kaniyang sleeves na suot na coat ngunit ang pampalubag loob, tuyo naman ang kaniyang brand new shoes.