BOMBO DAGUPAN- All-set na ang People’s SONA o ang protesta na isasagawa ng Bagong Alyansang Makabayan sa darating na ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong lunes upang ilahad ang kalagayan ng mga mamamayang Pilipino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raymond De Vera Palatino, Secretary General ng nasabing alyansa, sa temang “Sa Bagong Pilipinas, Pilipino lalong naghihirap”, pagkakataon umano ito upang ilahad ng mga mamamayan ang kanilang saloobin.

Kaugnay nito, pangunahin nilang ilalahad ay ang hindi umanong pag usad ng bansa sa loob ng 2 taon pagkakaupo ni Marcos Jr. at lalo lamang umanong lumalala ang paghihirap ng mga Pilipino. Kabilang na dito ang usapin sa seguridad sa pagkain at sa taas sahod ng mga manggagawa.

--Ads--

Kinumpirma naman ni Palatino na magkakaroon din sila ng koordinasyon sa iba’t ibang grupo na makikiisa sa kanilang People’s SONA.

Nakikipag koordina na din aniya sila sa Local Government Unit upang matiyak pa ang kaayusan sa kanilang aktibidad.

Gayunpaman, mariin niyang tinututulan ang mga bantang pag-aresto sa mga magsasagawa ng kilos protesta dahil parang hindi aniya gustong pakinggan ng gobyerno ang hinanain ng mga mamamayang Pilipino.

Kaya kanilang ipinapanawagan sa mga opisyal na igalang ang kanilang karapatan sa pamamamahayag.

Samantala, bangyan ng mga pamahalaan ang isa naging inspirasyon ng kanilang gagamiting effigy. Kasama din ang Beach ball na nagrerepresenta sa pambibilog umano ng mga opisyal sa Pilipinas.

At sa pamamagitan ng mga ito, wawasakin aniya nila ito upang ipakita ang kanilang galit at disappointment mula sa gobyerno.

Sa kabilang dako, kinokondena ni Palatino ang paggamit ng P20-million budget para sa SONA.
Aniya, hindi ito mahalaga at mas mainam na gamitin na lamang ito sa pagresolba sa mga problema ng bayan.