DAGUPAN CITY- Inaresto ang isang 43 taong gulang na lalaki sa lungsod ng Urdaneta matapos umano nitong pagsamantalan ang sariling anak na isang menor de edad.

Ayon kay PCapt. Rey Floro Tuanquin, Chief Investigation Officer ng Urdaneta PNP, kinilala ang akusado na si Domingo Villanueva alyas “Doms”, kasal, maintenance personnel sa isang libingan, at residente ng Brgy. Sta. Lucia, sa ciudad ng Urdaneta.

Sa bisa ng warrant of arrest, ay inaresto ito sa kasong Statutory Rape by Sexual Assault o mas kilala sa paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act”.

--Ads--

Lumabas sa kanilang imbestigasyon, na nasa abroad ang ina ng 6 taong gulang na biktima kaya nagawa ng suspek ang paulit-ulit na pagsasamantala sa bata.

Pero sa tulong ng Barangay Health Worker, ay nagkaroon ng lakas ng loob ang biktima na magreklamo at magsampa ng kaso laban sa suspek.

Maaari naman umano magbayad ang akusado ng bail bond na nagkakahalaga ng P200,000.

Samantala, sa kasalukuyan ay paunti-unti na umanong nakaka -recover ang biktima sa pangangalaga ng kanyang lola sa bayan ng Binalonan.