BOMBO DAGUPAN – Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailanman hindi magpapasupil at magpapa-api ang bansang Pilipinas kaninuman.

Ang pahayag ng Punong Ehekutibo ay bunsod sa pinaka huling agresibong aksiyon ng China Coast Guard laban sa mga sundalong Pilipino na nagsasagawa ng rotation and resuplly mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at West Philippine Sea.

Binigyang-diin ng Presidente na ang pag depensa sa ating bansa dapat manatiling totoo sa pag resolba sa isyu ng mapayapa.

--Ads--

Ipinunto pa ni Marcos, na hindi gagawa ng anumang hakbang ang Pilipinas na magreresulta sa pag-uudyok ng giyera at makapanakit ng kapwa.

Aniya, hindi gagamit ng puwersa at pananakot ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Hinimok naman ng pangulo ang mga sundalo na ipagpatuloy ang kanilang sinumpaang mandato na protektahan at idepensa ang ating bansa.