Dagupan City – Nagsagawa ng pagdiriwang ang mga Overseas Filipino Worker’s sa Trinidad & Tobago kaugnay sa pagdiriwang ng 126th Philippines Independence Day.

Ayon kay Alan Tulalian, Bombo International Correspondent ng Trinidad & Tobago, pinagplaplanuhan talaga nila ang selebrasyon na ito bilang pagkilala na rin sa kalayaan ng bansa.

Nasa tinatayang 300 mga OFW’s naman ang dumalo sa selebrasyon ng 126th Philippines Independence Day na ginanap sa Cascadia Hotel Ballroom sa St.Ann’s, Port of Spain.

--Ads--

Aniya, nakagawian na rin ng mga ito na mag-imbita ng mga ibang lahi, upang ipakilala rin sa kanila ang mga pagkain, tradisyon, at kasaysayan ng Pilipinas.

Bukod naman sa salo-salo, nagsasagawa rin sila ng mga iba pang aktibidad kung saan ay ginagawaran ang mga Pilipinong nagpakita ng kagalingan sa kaniyang propesyon at ang kaniyang dedikasyon para sa pamilya. Dagdag din ang pagsasagawa ng mga beauty contest.