Dagupan City – Arestado ang 53-anyos na mangingisda matapos na tanagayin ang isang makina ng banka sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Jayson Orilla, Deputy Chief of Police ng Bolinao Police Station, kinilala ito na si Randy Resta, residente ng Brgy. Luciente 1st sa nasabing bayan.

Aniya, maaring napagdeskitihan ang makina ng banka, dahil sa nagkakahalaga rin ito ng P30,000 pataas.
Sa kasalukuyan naman, dinala na si Resta sa Criminal Investigation and Detection Group Pangasinan, at nahaharap ngayon sa kasong theft at may piyansang nagkakahalaga ng P20,000.

--Ads--

Nagpaalala naman si Orilla sa publiko, partikular na sa mga turistang nagtutungo sa lugar, ingatan ang mga kagamitan dahil sa dagsaan pa rin ang mga bisita. Mensahe naman nito sa mga pinipilit magmaneho kahit pa nakainom, huwag nang tangkain pa nang sa gayon ay maiwasan ang anumang disgrasya at para na rin sa sariling kapakanan.