Dagupan City – Arestado ang 46-anyos na lalaki sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan matapos nitong pagsamantalahan at piliting gumamit ng ilegal na droga ang isang menor de edad sa naturang bayan.


Ayon kay Plt. Elmer Tangalin, Deputy Chief for Operation sa Urbiztondo Police Station, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang ina ng biktima kasama ang anak nitong menor de edad na isang grade 9 student, upang ipaalam ang ginawang panghahalay sa kaniyang anak.


Ayon sa inisyal na imbistigasyon, lumalabas na niyaya ng suspek ang bitkima sa kanilang bahay, at sumama naman ang bitkima dahil sa napag-alaman din na kamag-anak pa nila ito. Hanggang sa pagdating nila sa bahay ng suspek, doon na nito pinilit na pagamitin ng ilegal na droga ang menor de edad habang tintutukan ito ng baril. Pagkatapos noon ay nawalan ng malay ang biktima, hanggang sa isinagawa na ng suspek ang naturang panghahalay.

--Ads--


Agad namang inaresto ang suspek at nahaharap sa kasong rape, habang sa kasalukuyan ay dinala naman ang biktima sa pangangalaga ng Woman and Children Protection Desk katuwang ang Department of Social Welfare and Development sa naturang bayan para sa medicol legal.