Iniulat ni Dr. Rheuel Bobis, focal Person ng Department of Health Region 1 na bumababa na ang naitatalang kaso ng covid 19 sa rehiyon.

Sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay Bobis, sinabi nito na umabot sa 88,853 ang confirmed case ng covid 19 sa rehiyon. 79, 254 ay gumaling na at 1,734 ang namatay dahil sa covid 19.
Bumaba aniya ang active case ng mahigit pitung libo.

Sa kabila ng pagbaba ng naitatalang covid cases ay mahigpit na pinapaalala ni Bobis na kailangan na sinusunod pa rin ang mga minimum health standards.

--Ads--

Matatandaan na tumaas ang kaso noong nakaraang taon kaugnay sa pagdaraos ng mga festivities at hanggat maaari ay hindi na ito maulit sa paparating na mga okasyon sa bansa.

Dr. Rheuel Bobis, focal Person, Department of Health Region 1

Samantala, sa kanya ring ulat, may naitalang358 na variants of concerned sa rehiyon pero gumaling na ang mga ito sa sakit.

ng lalawigan ng Pangasinan ang may pinakamaraming naitalang variant of concerned na naitala sa region 1. Ito ay dahil na rin umano sa malaking populasyon ng lalawigan kumpara sa ibang lugar.