Pinoy sa Italy, mag-ingat! Pinayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Italy na umiwas sa demonstrasyon sa Rome, Milan at iba pang lungsod sa Oktubre 24, 2026.

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Italy ang mga Pilipino sa bansa kasunod ng mga demonstrasyon at kaguluhang naitala sa ilang lugar.

Sa abiso ng embahada, inaasahan ang mga panibagong demonstrasyon sa Sabado, Oktubre 24, 2026, sa walong lungsod, kabilang ang Rome, Milan, Florence, Turin, Bologna, Padua, Bari, at Genoa.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga Pilipino na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na anunsyo, at umiwas sa mga lugar na pagdarausan ng mga demonstrasyon upang maiwasan ang anumang posibleng panganib.

--Ads--

Pinapaalalahanan din ang mga Pilipino na unahin ang kanilang kaligtasan at maging maingat sa pagpunta sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng mga kilos-protesta.