Nasa 71 suicide cases na ang naitatala sa buong rehiyon 1.

Ayon kay IG Harlika Langit, ang Senior Program Officer ng Mental Health Program Region 1, batay sa August 2021 report, umabot na sa naturang bilang ang naitatalang kaso ng mga nagpapakamatay sa rehiyon.

Aniya, sa ngayon ay hindi pa umano masabi kung may pagtaas sa naitalang kaso ngayong taon dahil wala pang consolidation ang PNP at ang nabanggit na datos ay galing pa lamang sa DOH Region 1.

--Ads--

Karamihan umaano sa mga naitatalang suicide incident sa rehiyon ay mula sa taong 20 taong gulang pataas at ang pangunahing rason ng kanilang pagpapakamatay ay ang kawalan o pagkakatanggal sa kanilang trabaho.

IG Harlika Langit, Senior Program Officer ng Mental Health Program Region 1

Sa kabilang banda, mayroon din umanong naitatalang mga nagpapakamatay mula sa adolecent ages dahil umano sa academic challenges at family problems.

Saad ni Langit, malaking factor umano ang epekto ng COVID-19 sa buhay ng isang tao na nagiging ugat ng depresyon o kahit ng pagkitil sa kanilang sariling buhay.