Nagbigay si Philippine National Police (PNP) chief PGeneral Jose Melencio Nartatez Jr ng isang linggong ultimatum kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa para ito ay sumuko.

Sa buwan kasi ng Nobyembre ay mag-iisang taon na ang pagpapalabas ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crime against humanity sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan siya ay dating PNP chief.

Paglilinaw din Nartatez na kahit aniya walang mga itinakdang reward ay tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagtugis sa puganteng senador.

--Ads--

Magugunitang inanunsiyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na mayroon silang inilaan na P50-M na na pabuya para sa agarang pag-aresto kay Senator dela Rosa.