Problema sa pamilya ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng isang 58 anyos na lalaki sa Brgy. Palong sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.
Ayon kay Plt. Col Wilmer Pagaduan, hepe ng Malasiqui Police Station sa kanilang imbestigasyon bago ang insidente ay maagang nagising ang biktima at nagpaalam sa kaniyang pamilya na bibili ito ng pandesal ngunit bago umano nito ay nagbilin siya sa kanyang anak na alagaan ang kaniyang apo.
Kampante naman umano ang kaniyang kaanak na bibili lamang ito sa labas ngunit makalipas lamang umano ang ilang oras ay dito na na nadiskubre na nagbigti ang biktima sa isang puno ng sampalok malapit sa kanilang bahay.
Una rito, pangalawang subok na umano ng biktima ang naturang pagpapakamatay dahil sinubukan na rin niya dati na uminom ng nakalalasong gamot na hindi lamang naituloy dahil nakita ito ng kaniyang anak.
Wala ding nakikita ang kaniyang mga kaanak na iba pang maaring dahilan ng pagpapakamatay ng biktima maliban sa problema nito sa pamilya.
Sinubukan pang itakbo ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, hindi na pumayag ang pamilya ng biktima na isailalim sa autopsy ang katawan ng biktima dahil kumbinsido naman sila na walang anumang foul play sa pagkamatay nito.



