Wala ng naitatalang kaso ng African Swine Fever o ASF dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa kanyang pagbisita dito sa lalawigan, sinabi ni Department of Agriculture o DAR Sec. Wiliam Dar, na wala ng reported outbreak ng ASF sa probinsya.
Gayunman, patuloy pa rin na minamanmanan ang mga affected na babuyan upang hindi na bumalik ang nasabing sakit.
--Ads--
Ngayong unti-unti na umanong nakakarekober ang mga hog raisers ay hudyat na puwede na silang mag alaga muli ng baboy
Kamakailan ay nagtungo sa lalawigan ang kalihim at namahagi ng tulong sa mga hograisers.
Matatandaan na isa ang lalawigan ng Pangasinan ang tinamaan ng kaso ng ASF. Ito ang nagbunsod din ng mataas na presyo ng karne sa mga pamilihan.




