DAGUPAN CITY–Inilatag ni Dagupan City Police Chief PLt. Col. Luis Ventura Jr. kay Mayor Brian Lim ang planong ipapatupad sa darating na undas.

Kabilang sa plano ang pagtatakda o pagkakaroon ng schedule sa bawat barangay na maaaring magtungo o dumalaw sa mga puntod para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Tiniyak naman ng PNP na ilalabas nila ang nasabing schedule sa mga susunod na araw.

--Ads--

Una ng iniutos ng national government ang pagpapasara sa lahat ng sementeryo mula October 29 hanbggang November 4 upang maiwasan ang pagkukumpol kumpol ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng covid-19 virus.