DAGUPAN CITY–Nakapagtala ang lalawigan ng Pangasinan ng karagdagang pitong nagpositibo sa Covid-19 at panibagong nasawi.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng isang 76 anyos na babae mula sa bayan ng Santa Barbara, 25 anyos na lalaki mula sa lungsod ng Dagupan, 21 anyos na lalaki mula sa lungsod din ng Dagupan, 38 anyos na babae mula sa bayan ng San Fabian, 65 anyos na babae , 34 anyos na lalaki at 68 anyos na lalaki na pare parehong mula sa bayan ng Mangaldan at 42 anyos na babae mula sa bayan ng Pozorrubio.

Samantala, ang nasawi ay 58 anyos na babae na residente ng Bayambang.

--Ads--

SumaTotal ay mayroon nang 404 na confirmed Cases dito sa lalawigan.

Umaabot naman sa 988 ang kabouang suspects o patient under investigation o (PUI) habang sumampa na sa 164,464 ang Person Under Monitoring o PUM.