DAGUPAN CITY– Hindi napigilan ng 34-anyos na lalaking sunggaban at yakapin ang isang babaeng nagjo-jogging lamang kalsada sa bayan ng Mangaldan matapos umanong magandahan siya dito.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, ang suspek ay nagngangalang si Alvin Avache na umamin naman sa pangyayari.

Hinipuan din umano nito sa maselang parte ng katawan ang biktima.

--Ads--

Dinala na sa himpilan ng pulisiya ang naturang suspek.

Kaugnay nito, nananawagan ang otoridad sa publiko na maging alerto at mapag-matiyag nang hindi mabiktima ng ganitong uri ng insidente.