DAGUPAN CITY–Patay ang isang 37-anyos na ama matapos mabangga ng truck ang minamaneho nitong motorsiklo habang binabaybay ang kahabaan ng Brgy. Nancayasan, Urdaneta City.

Pauwi na ang biktima nang nawalan umano ng kontrol sa manibela ng minamanehong motor ang biktimang si Marco Cabanilla y Lagua, residente ng Zone 6, Brgy Sta Lucia.

Nahulog ito sa kalsada na aksidente namang nabangga ng trak na minamaneho ni Carlito Jiminez y Delos Reyes, 32, residente ng Mexico, Pampanga.

--Ads--

Ideneklara namang dead on arrival ang biktima dahil sa tindi ng tinamo nitong pinsala sa ulo.