Malaking porsyento ng mga sakahan sa bayan ng Agno, Pangasinan ang nalubog sa baha kasunod ng patuloy na pag-ulan sa lugar.

Ayon sa MDDRMO Agno, tinatayang 40 porsyento ng mga taniman at 20 porsyento ng fisheries sector sa bayan ang naapektuhan ng pagbaha. Patuloy naman ang isinasagawang monitoring sa mga lugar na posibleng makaranas pa ng pagtaas ng tubig.

Samantala, ilang kalsada na sa Agno ang passable o maaari nang daanan, ngunit patuloy pa rin ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista at residente na mag-ingat dahil sa mga posibleng panganib dulot ng baha at basang kalsada.

--Ads--

Nabawasan na rin ang bilang ng mga evacuee matapos makauwi ang ilang pamilyang lumikas.

Tinatayang 20 porsyento na lamang ng mga evacuee ang nananatili sa evacuation centers habang patuloy na minomonitor ng MDDRMO ang kanilang kalagayan.