DAGUPAN CITY–Patay ang isang lalaki habang nasa kritikal na kondisyon ang angkas nito matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa nakaparadang truck sa national road ng Barangay Buenlag sa bayan ng Mangaldan Pangasinan.

Ayon kay Pol Lt.Col Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan PNP, lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na dire-diretso at mabilis ang takbo ng motorsiklo dahilan kung kayat bumangga ito sa nakaparadang truck na noon ay inaayos dahil flat ang gulong nito.

Sa ngayon, hindi pa makuhanan ng pahayag ang 25 anyos na babaing angkas ng motorsiklo na kaibigan umano ng nasawing driver at residente ng barangay Banaoang dahil nagtamo rin ito ng pinsala sa ulo . Napag-alaman na nadurog ang ulo ng driver ng motorsiklo na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

--Ads--

Base naman sa ilang nakasaksi, lumalabas na nakainom ang driver na residente ng barangay Gueguesangen at ang backride dahil amoy alak ang mga ito at wala din umanong suot na helmet ang mga biktima.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kung may nagawang paglabag ang mga sangkot sa naturang aksidente.

Paalala ng hepe sa mga motorista na iwasan ang pag-inom ng alak at kung nakainom ay mas mabuting huwag na lamang magmaneho.