DAGUPAN CITY-Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang limang katao matapos silang maaresto sa isinagawang raid ng Phlippine Enforcement Agency o PDEA sa pinaniniwalaang drug den dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang mga suspek na sina Brian Santiago, Maria Rowena Cariño, Jonathan Castro, Eduardo Dasig at Nestor Felizardo na naaresto sa isang tahanan na nagsisilbi umanong drug den sa Barangay Bonuan Gueset.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan subject nang isinagawa nilang operasyon ang tahanan ni Felizardo na nagsisilbi umanong one-stop-shop ng illegal drugs.

--Ads--

Noong nakalipas na taon umano isinasailalim ang naturang suspek sa surviellance na pinaniniwalaan nilang kabilang sa malaking network ng droga.

Naaresto naman ang iba pa matapos silang naaktuhang nag popotession sa naturang tahanan.

Nakuha naman sa loob ng bahay ang tinatayang 85,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu.

Nagmumula umano ang supply ng shabu sa Bulacan na ibenebenta naman ni Felizardo dito sa Pangasinan.