DAGUPAN CITY – Patay ang dalawang dalagita matapos matamaan ng kidlat sa Brgy Aserda sa bayan ng Mapandan Pangasinan.

Ayon sa impormasyon mula kay PCAPT Jedd Harrry Garcia , Officer in Charge ng Mapandan PNP , ang dalawang biktima ay sina Maria Veronica Ligtas , 16 anyos at Marilyn Brotor , 15 anyos .

Base aniya sa kanilang imbestigasyon, sa kainitan ng panahon ay biglang nakaranas ng pag-ulan na may kasamang malakas na kulog at kidlat sakanilang bayan kayat naisipan ng dalawang biktima na maglaro at maligo sa ulan.

--Ads--

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinamaan ng kidlat ang dalawa sa likod ng kanilang bahay

Napag-alaman din na ang mga ito ay naistranded lamang sa naturang bayan at mula talaga sa Maynila

Ang mga kasama sa bahay ng mga biktima na lamang ang nakatagpo sakanila at dinala ang mga ito sa Mapandan community hospital kung saan sila ay dineklarang dead on arrival

Nagpaalala naman si Capt. Garcia na sapagkat nasa ilalim pa rin ng general Community Quarantine ang lalawigan nararapat na manatili na lamang sa bahay ang mga may edad na 21 taong gulang pababa at 60 gulang pataas .

Pinaalalahanan din nito ang mga magulang na dapat ay panatilihin sa bahay ang kanilang mga anak.