DAGUPAN CITY–Walang pagsidlan ng saya ng isang magulang sa pagiging board passer ng kanyang anak dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PENRO Officer Engr. Raymundo Gayo, ama ng 2019 board passer na si Raymond Ruther Gayo na isa ring registered nurse, ang pagkuha ng abogasya ng anak ay bunsod aniya ng mapait na nangyari sa kanilang pamilya kung saan ay pinatay ang kanyang tyuhin na abogado na hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ang hustisya.

Ninais umanong kumuha ng abogasya ni Ruther bilang kapalit ng namatay na abogado sa kanilang pamilya.

--Ads--

Pinangarap daw niyang maging abogado ng mga mahihirap.

Ipinagmalaki pa ni Gayo na malakas ang fighting spirit ng anak bagamat noong una ay hindi pumasa sa board exam pero hindi nawalan ng pag asa.

Engr. Raymundo Gayo, ama ng 2019 board passer na si Raymond Ruther Gayo