DAGUPAN CITY– Minomonitor ngayon ang kalusugan ng pitong mga contstruction worker na naglakad mula sa Sta Mesa Manila upang makauwi sa lalawigan ng Pangasinan matapos maipatupad ang enhanced community quarantine sa boung Luzon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Brgy Goyoden Punong Barangay Percival Cabungan ng bayan ng Bolinao na matapos nilang makita sa Social Media post ang ginawang paglalakad ng mga kabarangay ay agad silang humingi ng tulong sa kanilang alkalde upang masundo ang mga ito.

Sinundo ang pitong kalalakihan gamit ang ambulansya mula Pampangga hanggang sa kanilang bayan ng Bolinao.

--Ads--

Base umano sa salaysay ng pitong kabarangay ay wala silang anumang dalang pagkain at naibsan ang gutom dahil sa pagpapakain ng mga kapulisan at barangay officials sa mga nadaanan nilang checkpoint.

Sa kasalukuyan ay nasa barangay Goyoden na ang mga ito at minomonitor ng health workers at DSWD.

Nabatid na plano pa ring bumalik sa kanilang trabaho ang mga nasabing manggagawa sa Maynila kapag tuluyan nang masuspendi ang umiiiral na enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19.