Mahigpit ang kautusan ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, sa mga hog raisers na huwag munang mag alaga ng aboy sa mga lugar na tinamaan ng African swine fever.

Inihalimbawa ni So na sa Rizal, may ibang hog raisers na nagtangkang mag -aalaga muli ng baboy sa kanilang backyard pero tinamaan muli ng ASF.

Bunsod na din ng malawakang epekto ng ASF ay nagbahagi ng ilan sa mga alternatibong paraan si So kung papano makakabawi ang mga affected hog raisers sa pamamagitan ng pag aalaga ng ibang hayop upang matiyak na hindi maapektuhan ng ASF.

--Ads--

Binanggit pa ni So na maski 1,000 araw ilagay sa freezer ang frozen meat ay hindi mamamatay ang virus.

Hindi aniya nakakaapekto sa tao ang ASF pero puwedeng maapektuhan ang alagang baboy kapag nakakain nito.