DAGUPAN CITY– Mariing itinaggi ng isang negosyante mula sa lungsod ng Baguio na sakaniya ang isa sa mga sasakyan na ginamit sa pananambang kay dating Pangasinan Governor at dating Congressman Amaado Espino Jr na ikinasawi ng bodyguard at driver nito noong September 11.

Ayon sa negosyanteng si Jewel Castro 24 anyos na hindi niya pag-mamay ari ang sasakyan at hindi nagkaroon kailanman ng kotseng Hyundai Elantra .

Si Castro na may mara­ming negosyo sa Metro Manila, mga kalapit na lugar at maging sa ibang bansa ay aminadong mahilig sa mga sports car pero iginiit nito na kahit kailan ay hindi siya bumili ng anumang Hyundai Elantra car.

--Ads--

“Erroneous, misleading, irresponsable at reckless” aniya ang lumabas na ulat mula sa mga awtoridad na nagkaladkad sa pangalan nito sa naganap na pananambang sa dating gobernador na lubha umanong nakasira sa kanyang reputasyon.

Sa imbestigasyon na-traced si Castro sa huling bahagi umano ng buy-sell transaction ng Hyundai Elantra car matapos na ibenta ito ng isang Marivic Villanueva, nakarehistrong may-ari ng sasakyan, sa isang Michael Padayao noong Nob. 24, 2017 saka ibinenta uli sa isang Pedravallo Luciñera at ang pinakahuli ay kay Castro.

Ang asul na Ford Everest SUV na ginamit din ng mga suspek sa ambush ay nananatiling nakarehistro umano sa isang John Paul Regalado.

Magugunita na natagpuan ng mga pulis ang matataas na kalibre ng baril sa loob ng Hyundai Elantra na inabandona sa San Carlos City at isang Ford Everest sa Malasique, Pangasinan, isang araw matapos ang pag-ambush sa convoy ni Espino na ikinasugat nito at ikinasawi ng kanyang driver at isang bodyguard.