Isinasagawa na ang isang command conference ng hanay ng Philippine National Police (PNP), kaugnay ng nangyaring ambush kay dating Pangasinan 5th District Cong. Amado Espino Jr., na ikinamatay ng isa sa mga body guard nito habang sugatan ang tatlong iba pa.
Pinangunahan nina PNP Pangasinan Director Police/Col. Redrico Maranan at PNP Region 1 Regional Director BGen. Joel Sabio Orduña.
█ DATING CONG. AMADO ESPINO JR., INAMBUSH
█ PNP San Carlos, nilinaw na isa palamang ang patay sa mga bodyguard ni dating Cong. Espino
█ Dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., nasa stable ng kalagayan matapos i-ambush ang convoy nito
Unti unti naman ng nagsisidatingan ang ilang prominenteng personalidad dito sa Pangasinan na kinabibilangan ng iba’t-ibang mga Alkalde, mga hepe ng PNP station at mga department heads sa Provincial office sa pagamutan upang matiyak ang kaligtasan ng mga dating gobernador.
Mahigpit na siguridad naman ang umiiral hindi lamang sa pagamutan kundi sa boung lalawigan ngayon matapos na itaas ang alerto sa hanay ng PNP. (with reports from Bombo Badz Agtalao and Cherryl Ann Cabrera)