“Subject for verification” pa umano ang pitong foreign terrorists na namataan sa bahagi ng Mindanao.

Una rito, tinukoy ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring Egyptian, Malaysian, Indonesian at Singaporean ang nationalities ng pitong foreign terrorists na kasalukuyang kasa-kasama ng Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at Dawlah Islamiyah sa Western Mindanao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni National Security Adviser General Hermogenes Esperon Jr. na dati nang mayroong mga terorista silang namomonitor sa bahagi ng Mindanao at ang pitong nabanggit na foreign terrorists ay kanila pang beneberipika.

--Ads--
voice of General Hermogenes Esperon Jr.

Bunsod nito ay plano ni Esperon na imungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagpapalawig sa Martial Law o batas militar sa Mindanao dahil hindi na lamang aniya New People’s Army o NPA ang nasa lugar kundi maging ang Abu Sayyaf Group, BIFF, Maute group na nahaluan pa ng ISIS. with reports from Bombo Badz Agtalao