DAGUPAN CITY– Patay ang isang 43 anyos na rider ng isang motorsiklo matapos sumalpok sa steel barrier sa bayan ng Santo Tomas lalawigan ng Pangasinan.

Nakahandusay at wala ng buhay nang datnan ng mga otoridad ang biktima na si Ricardo Mone sa kalsada sa barangay San Antonio, Santo Tomas.

Sa lakas ng impact ng pagsalpok ay nahati ang mukha ng biktima.

--Ads--

Base sa imbestigasyon ng pulisya pauwi na sana ang biktima sa bayan ng Rosales.

Lasing umano ang biktima at walang suot na helmet .

Sinasabing mabilis ang patakbo ng biktima at umuulan pa noon nang mangyari ang insidente.