Kinilala ang biktima na si Noli Frianeza , 45 anyos, may asawa, tricycle driver, habang ang suspek ay nakilalang si Manuel Frianeza , 52 anyos, may asawa, Security Guard at parehong residente sa nabanggit na barangay.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay police major Ariel Caballero, deputy chief of police ng Mangaldan PNP, sa inisyal na imbestigasyon, pasado ala 10 ng gabi nang mangyari ang hindi pagkakaintindihan ng magkapatid.

Lasing umano ang magkapatid na nauwi sa pagtatalo ng mga ito.

--Ads--

Kumuha ng tubo ang biktima habang ang suspek ay kumuha naman ng panaksak.

Agad na dinala ang biktima sa ospital pero deneklarang dead on arrival.

Boluntaryo namang sumuko sa mga pulis ang suspek.