DAGUPAN CITY–Lumapit sa Makabayan bloc ang dalawang nagnanais makuha ang upuan para sa speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang kinumpirma ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.

Aniya, nilapitan din ng dalawang kandidato ang kanilang hanay upang kunin ang kanilang boto.

--Ads--

Bagamat naging matipid naman ito sa pagbibigay ng impormasyon kung sino sa mga naglalaban para sa speakership ang humiling ng kanilang tulong.

Subalit, direstsahan na aniya nilang sinupla ang mga ito sa kanilang paghiling ng suporta mula sa kanilang hanay.

Matatandaan na maraming ang matunog na mga pangalan ngayon para sa puwesto kung saan ang tatlo ay mula sa PDP-Laban party na kinabibilangan nina dating House Speaker Pantaleon Alvarez, nagbabalik na Kongresista na si Martin Romualdez at si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang pinakamatunog dahil suportado umano siya ni Sara Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpahayag din ng pagkagusto sa puwesto si Pampanga Rep. Aurelio Gonzalez, incoming Cong. Allan Peter Cayetano, re-electionist Cong. Fredinil Castro at incoming Congresswoman Loren Legarda.

Habang si Presidential son at incoming Cong. Paulo Duterte ay sinasabing posible ding maupo subalit una na nitong tinanggihan ang panukala.

Nabatid na mayroong 305 na House member at kinakailangan na magkaroon ng 153 votes para maging mayorya sa mababang kapulungan ng Kongreso.