Patay ang isang lalaki habang arestado ang isa pa sa magkahiwalay na buy bust operations sa San Jose, Nueva Ecija.
Ayon sa otoridad, nang-agaw umano ng baril ang nasawing suspek nang aarestuhin na ito.
Nagkaroon ng habulan at putukan sa pagitan ng pulisya at suspek.
--Ads--
Sinasabing tulak ng droga ang napatay na lalaki sa Barangay Caanawan.
Una rito ay arestado ang isa pang lalaki sa anti-drugs operation sa parehong bayan.
Nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng shabu.